ANG HULING TAGAY NG PAHIHIWALAY

Nais ko sanang ako na lang muli,tumblr_me9594hil01r78q60o1_500

Ngunit ako’y di buo, bali-bali at may tali

Nais ko sanang ako na lang muli,

Ngunit akoy talo, mali-mali at nag-aatubili

abstract-broken-glass-wallpaper-hd-resolutionSapat na ba ang mga araw na lumisan

para mahimasmasan sa mga nagdaan

Ng minsa’y tanging pangarap ay durugin

Ng minsa’y sundin ang hilaw na damdamin

Tanto ko pa ang mga pantig at tinigshort-story_1950306c

Mga binuong kwento at mga himig

Ikaw at ako ang tumayong bida

Sa binuo nating maikling nobela

Nais ko sanang ako na lang muliself

Ngunit akoy hilo, sari-sari ang pawi

Nais ko sanang ako na lang muli

Ngunit akoy gulo, hati-hati at sawi

Sapat na ba nung ating sundutin

Para ibsan ang sikmurang maasimcnues2rumaad1_i

Nung isang hating gabing malamig

Tayo’y nalasing sa alak ng pag-ibig

Tanda ko pa, batid natin sa isat-isa

Alam natin kahit di naman tayo talaga

man_broken_and_shattered2-7e2u0flkgm4g0o8040g4gscow-6ylu316ao144c8c4woosog48w-thTayo’y naniniwalang may tao kahit hindi kayo

Pero napakamahal sayo at sa buhay mo
Nais ko sanang ako na lang muli

ang magpasaya at pumawi

ng mga luha mo at mga pag-aalangan

Dahil sa mga pinagdaanan

Pero hawak ko sa aking mga palad

ang galos mula sa insekyuridad

Dahil takot na makita ka na masaya

Lalo na sa piling at yakap ng iba

Sa  aking isip ay nagpapagulolove-breakup-sad-boy-10-300x231

Kaya hindi pa rin ako sigurado

Na maibigay ang pagmamahal na buo

Mismong sa sarili ko, di maibigay ng husto

Maglakbay muna tayo nang magkahiwalay

Umaasang magkikita sa panibagong tulay

Kung saan mas malaya ang ating mga bibig

Na muling tumagay sa alak ng pag-ibig.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s