PULANG ROSAS (Buwan ng Wika)

Diniligan ng nagdurugong puso
Nananaghoy, utak na kumukulo
Nagtatanong ang ‘di matanglawan
Lumuluha’t lumalakbay na isipan.
Kailan kaya maaatim ng alipin
Sidhi ng makulimlim na damdamin
Kailan kaya tuluyang lamunin
Ng naghihingalong dilim?
Mga bituin ay naglalamay
Sa dalamhati ng buhay
Kamay na nakalupasay
Pulang rosas na nakahandusay
Isang dosena na nakakadena
Kukulayan ng dugong pula
Upang mamukadkad at ‘di malanta
At kamtan halimuyak ng pagsinta.
Kung yayakapin na ng hukay
Doon ang puso’y maghihintay
Isaboy mga pulang petalya
Isang dosenang rosas na pula.
At kung lahat ay tumalima na
Ibulong ang nakakandadong salita
Makikinig ang diwang maralita
Sa malamig mong talinghaga.
Makilala ka ay isa ng pagpapala
‘Wag hayaang pumatak sa lupa
Mga talulot ng pilit na luha
Sapat na, talsik ng agua bendita.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s