DIGONG SERYE: A CLASSIC TELENOVELA

 

Si Juan na tagalaylayan, susubukang (o sinusubukang) buwagin ang mga naghahari-harian, makapangyarihan upang ibalik sa bayan ang matagal na nitong inaasam – kapangyarihan sa taumbayan (people power) at hindi lang para sa iilan (the elites and oligarchs).

Bakit nga ba marami pa rin sa atin ang nahuhumaling sa mga telenobela? (Andyan ang classic na KalyeSerye, Ang Probinsyano at Incantadia.)

Watching telenovelas is the easiest way to cure boredom especially those in the fringes of society. (Yes this is better than, engaging in illegal acts like drugs. But for many, they see this trade as the vehicle that can cure their boredom or bring them out of poverty). It is our most preferred and affordable way to relax and unwind from the harsher reality of poverty and lack of basic services and opportunities we have to contend with daily.

family-watching-tv_cnnph

 

Marami tayong mga mahihirap at biktima ng kahirapan dahil ang mga benepisyo na para dapat sa lahat ay tinatamasa ng iilan lang. (Marahil ito ay bunga ng unang EDSA when they toppled down the dictator only to install many little dictators.)

We rarely go to movie theaters, travel, or engage in other recreation and adventures because we just cannot afford such a “luxury.” And so we turn on the little box and watch telenobelas. This, for us, is the most economical way to enjoy life—an affordable entertainment.

Ganito nagsimula ang ating telenobela.

Noong nakaraang Mayo, isang napakalaking hamon ang hinarap at pinagtagumpayan ng ating bida. Isang tagumpay na pangtelenobela at marami sa atin ang sumubaybay, sumali, umiyak, tumulong at nag-alay ng ating lakas, talino, yaman at higit sa lahat ng ating buhay.

Those who ran last May elections were equally eligible and qualified for the office. But the one who emerged victorious ay yung isang tao na ang tenga ay malapit sa lupa. Yung taong dinig nya ang hinaing at hinagpis ng mga maralita. Ang mensahe ng kanyang kwento (plataporma) sa telenobela (election) ay kwento ng maraming Pilipino – karahasan, kriminalidad, droga at kahirapan. He is himself the message and the brand. Siya ang dakilang bida. His campaign strategists and content managers were very clever, far superior than all the other candidates. Ikaw yun at ako.

Yun ay dahil, tayo ay sanay sa kwentong pangtelenobela. Alam natin kung ano ang kwentong swak sa panlasa ng ordinaryong Pilipino. Alam natin kung ano ang tema na susubaybayan at iiyakan ng karamihan. Alam natin kung ano ang magpapasiklab sa mga damdaming matagal ng salat ng pagkakataon at hinaharap.

Ngunit sa kabila ng lahat, tinawag nila tayong bobo. Retards. Pero tayo ang mga bobong nananalo. Tayo ang bobo na epektibo sa pagpapaabot ng mensahe. Hindi pa tapos ang drama at telenovela. Kakaumpisa pa lang. Ngunit iwaksi na natin ang di pagkakaisa.

debates-2016

Ating matatandaan na ayaw ng ating bida na sya lang ang tanging bida. Gusto nya na tayong lahat ang maging bida sa pagpaangat ng ating lipunan, ekonomiya at ng ating bayan. Ilang beses na sinabi ni Digong na ayaw nya maging presidente. Kasi alam niya na mahirap ang ganitong tungkulin. Alam niya na nakasaad sa ating saligang batas (constitution) na the executive power shall be vested in the president of the Philippines. Sa ibang saligang batas ng ibang bansa, wala ang kapangyarihang ehikutibo sa iisang tao lang katulad ng ating kalagayan. Kundi sa isang department or council. At hindi konsentrado ang majority ng economic activities sa iisang lugar tulad ng Maynila.

1029px-seal_of_the_president_of_the_philippines-svg

Ayaw nya umasa at iasa (o isisi) na lang lagi sa pangulo ang kalagayan ng bayan. This is NOT the surest and fastest way to progress – a one-man show. Panahon na para bigyan ng pagkakataon ang karamihan to work for progress, to think of solutions, to innovate. It is high time that everyone should be responsible and accountable for progress that we have been dreaming of. Panahon na upang subukan ang Federalismo (na parliamentaryo) kung saan may istruktura at sistema ng pamamahala para sa layuning ito. Let us create, develop and sustain federal states which are responsive, responsible and accountable to progress. (This is easier said than done, ito ang sasabihin ng iba, but this observation is conditioned by our long experience where we place always the burden of progress and innovation to one person – the president. I say that if we continue to have the set-up of the status quo, easier is not even close because meaningful and inclusive progress is far from easy, it is impossible.)

federalism

 

Malayo pa ang huling kabanata ng ating sinimulang telenobela. Ikaw, ako, tayo ang bubuo at tatapos ng ating kwento. Because this is our collective story towards the achievement of our collective hopes and aspirations. Tayo na sa pagkakaisa!!!

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s