TAGPUAN

Sa ating dating tagpuan
Sa isang malapit na kainan
Dun tayo nagkwentuhan
Naglasing sa tawanan
 

Bumuo ng kulitan
Nagaral magdamagan
Naabutan ng ulan
Kinilig at nagkaibigan.

 
Saksi ang mga aklat
Manok na minsay maalat
Mga taong may amat
Sa mga damdaming salat
 

Lamok na nanangagat
Ng mga pusong may lamat
Matalim na sibat
Pero umiibig ng tapat.

 
Antok ay di iniinda
Pati pagpikit ng mga mata
Idinadaan sa tuwa
Sa isat-isa'y nakahanda

 
Umalalay at mag-aruga
Sana hanggang sa pagtanda
Iisa ang gamit na timba
Sa nobelang tayo ang akda.

 
Inabot ng bukang liwayway
Pagbasay walang humpay
Mga kasong walang saysay
Tungkol sa mga bagaybagay


Minsay puno ng lumbay
Nakakaubos ng malay.
Ngunit may sulosyon dyan
Kapeng pwede kang ipaglaban


Kayat sa pagikot ng orasan
Hindi natin namamalayan
Bukas na di mapipigilan
Lamig na nagpaparamdam


Sadyang nangingi-alam
Nagaabang sa dalampasigan
Sa ating masayang kwentuhan
Kayat tanging inaasam


Maulit ang ating panayam
Doon sa ating dating tagpuan.
Ngunit di pa ako tapos
Upang kwento'y maging lubos
 

Kape'y malapit na ring maubos
Libro'y tapos na rin halos
Kahit medyo kinakapos
Pero huling haplos
 

Ihahatid ka sa pag-agos
At matatapos na ang alas dos
Bose's ay namamaos
Mga tao'y muling bubuhos
 

Bilisan ang halik na tumatagos
Damdaming nakagapos
At mga bibig na magkayapos.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s