ANG HULING TAGAY NG PAGHIHIWALAY

Nais ko sanang ako na lang muli,
Ngunit ako'y di buo, bali-bali at may tali
Nais ko sanang ako na lang muli,
Ngunit akoy talo, mali-mali at nag-aatubili
Sapat na ba ang mga araw na lumisan
para mahimasmasan sa mga nagdaan
Ng minsa'y tanging pangarap ay durugin
Ng minsa'y sundin ang hilaw na damdamin
Tanto ko pa ang mga pantig at tinig
Mga binuong kwento at mga himig
Ikaw at ako ang tumayong bida
Sa binuo nating maikling nobela
Nais ko sanang ako na lang muli
Ngunit akoy hilo, sari-sari ang pawi
Nais ko sanang ako na lang muli
Ngunit akoy gulo, hati-hati at sawi
Sapat na ba nung ating sundutin
Para ibsan ang sikmurang maasim
Nung isang hating gabing malamig
Tayo'y nalasing sa alak ng pag-ibig
Tanda ko pa, batid natin sa isat-isa
Alam natin kahit di naman tayo talaga
Tayo'y naniniwalang may tao kahit hindi kayo
Pero napakamahal sayo at sa buhay mo
Nais ko sanang ako na lang muli
ang magpasaya at pumawi
ng mga luha mo at mga pag-aalangan
Dahil sa mga pinagdaanan
Pero hawak ko sa aking mga palad
ang galos mula sa insekyuridad
Dahil takot na makita ka na masaya
Lalo na sa piling at yakap ng iba
Sa aking isip ay nagpapagulo
Kaya hindi pa rin ako sigurado
Na maibigay ang pagmamahal na buo
Mismong sa sarili ko, di maibigay ng husto
Maglakbay muna tayo nang magkahiwalay
Umaasang magkikita sa panibagong tulay
Kung saan mas malaya ang ating mga bibig
Na muling tumagay sa alak ng pag-ibig.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s